Dear Sunget,

February 25, 2011

Marami akong gustong isulat. Ngunit madalas, pagdating sa mga paksang katulad nito, nauubusan ako nang sasabihin. Siguro kasi matagal akong nasanay na “weird at depressing shit” lang ang kaya kong ibahagi nang may sapat na damdamin. Kadalasan kapag masaya at may ngiting abot-tenga ay hindi man lang sumasagi sa utak ko na tumipa nang letra.

Pero espesyal ngayon. Hindi ako magsusulat para lang may sabihin. Hindi ako magsasalita para patigilin ang pangungulit ng madaldal kong isip. Hindi din dahil hilig ko ito at gumaganda ang pakiramdam ko kapag nagsusulat ako. Hindi ito para sa aking sarili. Para ito sa aking pagkatao na nagnanais ibahagi at ipadama ang pagmamahal at pasasalamat sa isang taong walang hanggan ang importansya.

Parang kailan lang noong nanood tayo nang sine. Parang kailan lang halos hindi na tayo umuwi dahil lango sa tawanan at kape. Parang kailan lang noong pumunta tayo sa mga probinsya upang kalimutan ang gulo at ingay nang mundo. Parang kailan lang noong magdesisyon tayong humarap sa altar at sabihin sa Diyos at sa lahat nang makakarining na “heto na ‘to.. wala nang atrasan at hindi na kita pakakawalan.” Ang bilis nang panahon. Ang daming alaala. Hindi ko na nga matandaan ano dati yung buhay ko nung wala ka.

Naaalala mo noong hinihintay kita sa altar habang naglalakad kang balot nang liwanang at kariktan? Ang sabi mo’y nakita mo akong nakatingala at akmang nagdarasal? Bukod sa pagpapasalamat na inilaan ka Niya sa akin ay may hiniling ako sa Panginoon — ang hindi ko makalimutan ang pakiramdam nang puso kong naghihintay. Naghintay ito na maging maligaya, tapos dumating ka. Naghintay itong maging matatag, at pagkatapos nang luha at tagumpay hanggang ngayon ay hawak mo pa rin ang aking kamay. Naghintay ito na maging buo, dumating ang isang anghel na punung-puno nang galak at pagmamahal, at ngayon ay buo ang ating pamilya. Isa na lang ang kulang, pero mukhang matagal pa itong maisakatuparan. Naghihintay pa din akong makasama ka habambuhay.

Salamat. Mahal kita.

Posted by holdapto at 12:00 am | permalink

Previous Comments

:)

Posted by sunget at February 25, 2011, 6:38 am

Wow! naman …. soooooo Sweet!!!… na touch naman ako… Happiness always!!!

Posted by rita tano at February 25, 2011, 11:00 pm

High-quality products: A day lily, licorice, apple, etc

Posted by Air Jordan 17 at April 14, 2011, 4:37 pm

Thanks for taking this opportunity to discuss this, I feel fervently about this and I like learning about this subject.

Posted by coach7store at April 26, 2011, 2:26 pm

I’m not myself today.

Posted by Supra Shoes at May 14, 2011, 2:50 pm

I guess that to receive the loan from banks you should have a firm reason. Nevertheless, once I have received a financial loan, because I was willing to buy a building.

Posted by DanaPuckett32 at December 31, 2011, 11:04 am

there are many exciting things in this blog, nice blog.

Posted by Toko Online at January 11, 2012, 10:56 am

Mobil Bekas di Jakarta

Posted by Mobil Bekas di Jakarta at January 11, 2012, 11:00 am

Busana Anak-Anak

Posted by Mobil Bekas di Jakarta at January 11, 2012, 11:05 am

Jual Beli Mobil Bekas

Posted by Jual Beli Mobil Bekas at January 21, 2012, 2:18 am

Grosir Baju Murah

Posted by Grosir Baju Murah at January 21, 2012, 2:21 am

Rumah Dijual

Posted by Rumah Dijual at January 21, 2012, 2:23 am

Add a comment








Twittah!!

     

February 2011
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28