deyn nasayang P190 ko..

August 31, 2009

hindi ako magaling magrebyu nang pelikula. pero magaling akong manuod. nung biyernes nang gabi, kasama ang mga tropa nung hayskul, nasaksihan naman ang isang kamangha-mangahang sine.

 

 
si Peter Jackson at ang habambuhay naming reverence sa LOTR ang pinakamalaking dahilan kung bakit namin ginustong panuorin ang pelikula. halos lahat kami ay walang alam kung ano talaga ang kuwento, o kung ano ang mga dapat naming asahan pag pinanood namin. yun siguro ang isa pang dahilan. para kasing isang napakalaking misteryo nang pelikula. far out tsaka absurd yung premise kaya hihilahin ka niya para alamin kung tungkol saan nga ba talaga.

 


Johannesburg, South Africa holds the Guiness World Record for the biggest disco lights ever.

 pagkalipas nang ilang minuto di mo namamalayan na nanonood ka na talaga. diwa at kamalayan ang puntirya nang pelikula, hindi tenga at mata. parang laging merong nakadagan sa dibdib kasi mahusay ang pagkakahabi nang kuwento, laging merong iniiwang damdamin yung mga eksena. iba kasi pag ang isyu ay humanity at morality. iba kasi pag pinag-uusapan kung tama at mali. magkukusang mag-react yung pagiging tao mo sa mga makikita mo. alam kasi natin kung gaano tayo ka-gago, kung gaano tayo kagamahan, kung gaano tayo kalupit, kung gaano tayo kalibog, kung gaano tayo kasama.

 


eto si Christopher. seryoso men, pangalan nung alien Christopher Johnson.

 medyo nakakadismaya lang ang MTRCB kasi ginawang PG13 yung rating eh dapat R18, puro cut tuloy. putol yung mga eksenang merong sumasambulat na utak at may tumutilapong mga laman. tanginang gobyerno. sobrang bulok naman nang lipunan natin ayaw pang ipakita sa madla yung simpleng brutal na eksena. yung mga kagaguhan nga nang mga pulitiko’t mga pandaraya sa sining hindi nila itinatago eh.

panuorin nyo. sana sa sine. pero kung wala kayong pang-sine o di kaya mas trip nyo na mag-download na lang, ayus din. panalo tsong.

Posted by holdapto at 8:47 am | permalink

Previous Comments

Add a comment








Twittah!!

     

August 2009
M T W T F S S
« Jun   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31