fifth deadly sin..

August 27, 2009

hindi ako magaling magsulat. pero mahilig akong magsulat. tungkol sa kung anu-anong bagay na damadapo sa naglalakbay kong kamalayan. minsan may sense, pero madalas wala. parang pinitpit na tansan na tinahi nang alambre matapos butasan nang pako para gawing marakas pang-karoling tuwing pasko.

bukod sa kawalan nang husay sa pagsulat, saksakan pa ako nang tamad. parang lahat nang bagay ay isang malaking hassle laban sa napakasarap na pag-petix sa buhay ko. tamad akong gumising, tamad akong kumain, tamad akong matulog. parang isang pusang ayaw tabunan nang lupa ang kumpol nang tae na kanyang iniwanan. 

  

St. Patrick Star, patron saint of laziness 

nakaka-isandaang balik na siguro ako sa palikuran dahil sa lamig na dulot nang nakatutok na aircon. nag-iisip kung maaga bang darating ang sweldo o wala pa ring laman ang wallet hanggang bukas? dapat akong magtrabaho pero lahat na yata nang tipo nang batugang espirito ay sumanib sa akin at namahay sa katawan ko. marami akong dapat gawin, pero wala pa ring nasisimulan. nakatingin sa kawalan at ngatataka kung bakit narito ako’t wala sa kung saan man? bakit hindi ako makata? bakit hindi ako musikero? bakit hindi ako makatang musikero? pero wala namang magagawa. lahat nang bagay ay hinahatak nang lupa pababa. lahat nang panaginip ay nawawakasan sa pagbukas nang talukap nang mata.

sige na nga..

susubukan ko nang magtrabaho para sa mga taong mas marami lang pera kaysa sa akin.. 

Posted by holdapto at 12:17 pm | permalink

Previous Comments

Add a comment








Twittah!!

     

August 2009
M T W T F S S
« Jun   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31